^

PSN Palaro

Baguio Selection taob sa Welcoat

-
BAGUIO CITY-Ipinakita ng Welcoat Paints at Shark Energy Drink ang pormang kampeonato na nagputong sa kanila ng korona matapos na talunin ang local Baguio teams sa pagbubukas kahapon ng 2nd PBL Athletes Haven’s Cup sa Baguio Colleges Foundation gym dito.

Naging madali para sa Paint Masters, PBL Commis-sioner’s Cup champion na dispatsahin ang kanilang kalaban na Baguio Selection, 97-72, gayundin ang Challenge Cup titlist Shark nang kanilang hiyain ang Gilligan’s Ilsand, 87-63.

Bunga nito, nakikinita na ng mga manonood ang posibleng paghaharap ng Shark at Welcoat para sa korona, nakatakdang mag-debut ang defending PBL Athletes Haven’s Cup champion Blu Detergent at ang top Cebu team ML Kwarta Padala ngayon.

Makakaharap ng Blu Detergent na gigiyahan ni coach Tony dela Cerna ang Baguio Selection sa alas-5 ng hapon kung saan aasahan ng Blu sina Marlon Legaspi, Edwin Bacani at Egay Billiones sa kanilang unang panalo, habang magtatangka naman ang Shark ng kanilang ikalawang sunod na panalo kontra sa ML Kwarta Padala sa alas-7 ng gabi.

Isang eksplosibong opensa ang agad na inilutang ng Welcoat nang ilang ulit na lumayo ito ng 26 puntos na ang huli ay sa 50-24 sa likod nina Ferdie Go, Brixter Encarnacion at Allen Patrimonio, may 1:19 ang nalalabi sa second quarter.

vuukle comment

ALLEN PATRIMONIO

ATHLETES HAVEN

BAGUIO COLLEGES FOUNDATION

BAGUIO SELECTION

BLU DETERGENT

BRIXTER ENCARNACION

CHALLENGE CUP

EDWIN BACANI

EGAY BILLIONES

KWARTA PADALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with