^

PSN Palaro

Batangas Blades nais paghigantihan ang San Juan

-
Paghihiganti ang nasa isipan ng Batangas Blades sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban kontra sa San Juan Knights sa alas-5:30 ng hapong sultada sa pagbubukas ngayon ng kanilang best-of-three semifinal series ng MBA sa Sentrum De La Salle Lipa.

Determinado ang Blades, na lumasap ng 63-84 pagkatalo sa balwarte ng Knights noong Hulyo 29, na maipaghiganti ang kabiguang ito sa kanilang sariling lupain na ang kanilang panalo ay maglalapit sa kanila sa pinto ng kauna-unahang finals appearance.

Sa kabila nito, sisikapin naman ng Negros Slashers na mapanatiling matatag sa kanilang balwarte sa pakikipagtipan naman sa Cebuana Lhuillier sa ganap na alas-3 ng hapon para sa sarili din nilang best-of-three semifinals series na dadako naman sa St. La Salle Gym sa Bacolod City.

Samantala, nasorpresa si MBA Commissioner Ogie Narvasa sa mga lumabas na ulat sa mga pahayagan sa pagsusumite ng MBA team selection sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games organizers at idiniin nito na dinisbanda na ng liga ang nasabing koponan na nanalo na Southeast Asian Basketball Association (SEABA) championship.

Ipinahayag din ni Narvasa na ang mga players ay kanila ng pinabalik sa kani-kanilang mga mother squad sa dahilang ayaw nilang masangkot ang mga manlalaro sa away pulitika ng dalawang lider sa pagitan ng Basketball Association of the Philippines (BAP).

BACOLOD CITY

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BATANGAS BLADES

CEBUANA LHUILLIER

COMMISSIONER OGIE NARVASA

KUALA LUMPUR SOUTHEAST ASIAN GAMES

NEGROS SLASHERS

SAN JUAN KNIGHTS

SENTRUM DE LA SALLE LIPA

SOUTHEAST ASIAN BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with