^

PSN Palaro

Baby Maroons dinagit ng Eaglets

-
Malamoog na depensa ang ibinaba ng Ateneo de Manila University Eaglets upang yanigin ang University of the Philippines sa iskor na 71-51 at patatagin ang kanilang kapit sa solong liderato sa junior divisions ng 64th UAAP basketball tournament sa Ateneo gym kahapon.

Dinomina ng Eaglets ang Baby Maroons sa opensa nang kanilang iposte ang 46% field goals kumpara sa 43%, gayundin sa rebounds sa paghatak ng 46-30 at mas marami silang itinapong bola na 31 laban sa 20 lamang ng Katipunan-based squad upang iposte ang kanilang malinis na 4-0 panalo-talo, habang ipinatikim nila ang ikatlong dikit na talo ng Maroons matapos ang apat na laro.

Humakot rin ang Eaglets ng tig-13 puntos kina Carlo Pasion at Emmanuel Nazareno, habang nagtala naman ng double figures sina Mark Escalona, Ryan Dalman at Jonathan Uichico na pawang tumapos ng tig-10 puntos.

Tanging si Christian Manlapaz lamang ang kumana ng double figures na 12 puntos para sa UP.

Sa unang laro, hiniya ng University of Santo Tomas ang National University Bullpups, 82-50 para sa kanilang ikatlong tagumpay sa apat na laro.

Nanguna sa opensa ng UST si Anthony Espiritu na humakot ng 17 puntos, habang sinuportahan siya ni John Cuan ng 11 puntos.

ANTHONY ESPIRITU

ATENEO

BABY MAROONS

CARLO PASION

CHRISTIAN MANLAPAZ

EMMANUEL NAZARENO

JOHN CUAN

JONATHAN UICHICO

MANILA UNIVERSITY EAGLETS

MARK ESCALONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with