^

PSN Palaro

RP Ice-skating team umakyat sa ikatlo

-
COLUMBUS, Ohio -- Nagpatuloy ang SM-Philippine ice skating team sa kanilang pananalasa kung saan muling humablot ng 13 gold medals sa 2001 ISI World Recreational Team Championships dito noong Biyernes.

Dating nasa ikaanim na puwesto, tumalon ang Filipino skaters na suportado ng SM, Pepsi, Philippine Airlines at Adidas sa ikatlong posisyon matapos na makalikom ng kabuuang 22 golds, 21 silvers at 13 bronze para sa kabuuang 257.5 puntos sa ikatlong araw ng tournament sa likod ng nangungunang Chiller Ice Dublin-Columbus (512) at Center Ice-Delmont (301.5) at kanilang napatalsik ang Ice Zonme-Boradman (243.5) at ang defending champion Plymouth Ice-Minnesota (217).

Napalawig naman ng 10-taong gulang na si Shekinah Ciudad ang kanyang gold medal output sa apat, ang siyang pinakamataas na nako-po ng mga miyembro ng SM-Philippine Ice skating team matapos na manalo sa Footwork 2 event.

Ang iba pang gold winners ay sina Charissa Aguilling (dance solo), Jeryl Gerida (solo compulsory 8), Kim Lavin (stroking), Katherine Miller (stroking), Nikki Anne Nicolas (Footwork 1), Rhoda San Jose (spotlight dramatic), Stephanie Sison (dance solo 1), Kim Tagayunan (Freestyle 3) at Nona Tagayunan (dance solo 1).

Sa kabila nito, nagbulsa rin si Ciudad ng silver sa couples 2 events kasama si Faustino.

Tangka ng SM-Philippine ice skating team na mapaganda ang kani-lang ikaapat na puwestong tinapos sa Minnesota noong nakaraang taon kung saan ang Filipino skaters ay nag-uwi ng 72 golds, 38 silvers at 19 bronzes.

CENTER ICE-DELMONT

CHARISSA AGUILLING

CHILLER ICE DUBLIN-COLUMBUS

ICE

ICE ZONME-BORADMAN

JERYL GERIDA

KATHERINE MILLER

KIM LAVIN

KIM TAGAYUNAN

NIKKI ANNE NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with