Importanteng panalo nais ng Laguna sa MBA First Phase

Importanteng maipanalo ng Fedex Laguna ang kanilang laro ngayon kontra sa Socsargen Marlins sa alas-5:30 ng hapon upang mana-tiling matatag ang kanilang kapit sa ikalimang puwesto sa MBA first phase na dadako sa Tinga Gym sa Taguig.

Umaasa ang Lakers na kanilang maduduplika ang 103-85 panalo sa Marlins noong nakaraang Miyerkules upang pagandahin ang kanilang 7-7 karta sa pagtiklop ng elimination round.

Bagamat nakakasiguro na ng ikalimang puwesto ang Lakers at knockout showdown sa No. 4 qualifiers, kailangan nilang maipanalo ang laban ngayon upang mapalakas ang kanilang kampanya sa susu-nod na round.

Siguradong kakayod ng husto sina Jeffrey Flowers at Chris Clay para banderahan ang Lakers para ipalasap sa Marlins ang kanilang ika-12 na pagkatalo.

Nauna rito, maghaharap naman ang Nueva Ecija at Davao Eagles sa alas-3 ng hapon sa isang larong wala ng halaga.

Show comments