^

PSN Palaro

UAAP Basketball Tournament: Falcons sinuwag ng Tamaraws

-
Matapos ang mahigpit na pakikipaglaban sa unang tatlong quarters, bumigay ang Adamson University sa fourth quarter na nagkaloob sa Far Eastern University ng 67-58 pamamayani sa pagpapatuloy ng eliminations sa UAAP men’s basketball tournament sa Ateneo Gym kahapon.

Nalimitahan ang Adamson Falcons sa anim na puntos sa final canto at humakot naman ng 16 puntos ang FEU Tamaraws na umangat sa 4-1 panalo-talo upang manatili sa liderato.

Kumana sa free throw area ang Far Eastern sa ikaapat na canto sa pangunguna nina Rysal Castro at Cesar Catli habang nalimitahan na-man ang Adamson sa 2-of-12 field goal shooting sanhi ng kanilang ikalimang sunod na kabiguan.

Papasok sa ikaapat na quarter, hawak ng Falcons ang 52-51 bentahe nang tapusin ni Michael Yong ang 8-2 run sa pamamagitan ng kan-yang tres sa ikatlong quarter.

Sa unang juniors game, inilampaso ng La Salle ang National University, 106-64 upang ilista ang kanilang ikatlong panalo sa 5 laro at ikaapat na sunod na kabiguan ng Bullpups.

Sa women’s divisions, tinalo ng De La Salle ang Ateneo de Manila University, 61-39, nanaig naman ang FEU sa UP, 46-45.

vuukle comment

ADAMSON FALCONS

ADAMSON UNIVERSITY

ATENEO GYM

CESAR CATLI

DE LA SALLE

FAR EASTERN

FAR EASTERN UNIVERSITY

LA SALLE

MANILA UNIVERSITY

MICHAEL YONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with