^

PSN Palaro

Coach-less UE nanalo sa UST sa UAAP basketball tournament

-
Hindi naging kawalan sa University of the East ang pagkawala ni coach Boysie Zamar at nagawang itakas ng Warriors ang 67-57 panalo kontra sa University of Santo To-mas sa pagpapatuloy ng 64th season ng UAAP men’s basketball tournament sa Loyola Gym kahapon.

Di nakaupo sa bench si Zamar dahil kinailangan niyang giyahan ang Socsargen Marlins sa MBA na nakikipaglaban naman kontra sa Nueva Ecija kung kaya’t ang assistant coach na si D’Jalma Arnedo ang siyang umako ng papel ni Zamar na nagresulta naman ng maganda nang maihatid niya ang Warriors sa ikatlong panalo dahilan upang makisosyo sa pansamantalang pangunguna.

Sumandig si Arnedo sa husay nina Ronald Tubid at Paul Artadi nang kanilang banderahan ang scoring machine ng Warriors sa pagsisimula ng third canto nang kanilang iwanan ang Growling Tigers ng 18 puntos, 43-25.

Mula dito, hindi na nabigyan ng pagkakataon ng UE na makabalik ang Uste hanggang sa huling sandali, bagamat nakalapit sila sa apat na puntos, 59-55 sa huling 4:18 segundo ng labanan, nanatiling buo ang composure ng Warriors.

Isang fastbreak play ang kinumpleto ni Artadi ang muling naghatid sa Warriors sa kampanteng katayuan sa 61-55 kalamangan, may 3:18 na lamang sa laro.

Sa junior divisions, nanalo Golden Cubs nang pabagsakin ang UE Pages,77-64, habang nanaig din ang De La Salle Bengals sa UP, 64-53.

vuukle comment

BOYSIE ZAMAR

DE LA SALLE BENGALS

GOLDEN CUBS

GROWLING TIGERS

JALMA ARNEDO

LOYOLA GYM

NUEVA ECIJA

PAUL ARTADI

RONALD TUBID

SOCSARGEN MARLINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with