Fist of fury sa Casino Filipino uusok ngayon
July 28, 2001 | 12:00am
Siguradong ang lahat ng daan patungong Casino Filipino sa Parañaque ay sarado na dahil ang lahat ay patungo rito upang saksihan ang nakatakdang pag-akyat sa lona nina dating world champion Malcolm Tuñacao at Randy Mangubat para sa WBC International flyweight crown.
Tinaguriang "Fist of Fury sa Casino Filipino-Parañaque" ang nakatakdang 12-round fight ay hatid ng Elorde International Productions kung saan ang dalawang fighters ay kapwa nangako na maagang tatapusin ang kanilang laban.
Tumimbang ang 23-anyos na si Tuñacao ng 112 lbs., habang ganoon din ang bigat ni Mangubat sa ginanap na opisyal weigh-in at rules meeting sa GAB office sa Makati City, kahapon.
Ito ang kauna-unahang pagsabak ni Tuñacao matapos na mawala ang kanyang world title noong Marso sa mga kamay ng Thailander na si Pongsaklek Wonjongkam sa unang round pa lamang, gayunman, optimistiko si Mangubat na muling mababawi ang kanyang rankings.
"Expect non-stop action between these two (Tuñacao-Mangubat) fighters because both are looking for a quick win," pahayag ng promoter na si Gabriel "Bebot" Elorde Jr.
Tampok din sa labang ito ang dalawang international fights na magtatampok kina flyweight titlist Juanito Rubillar na sasagupa kay Takahiko Mizuno ng Japan at ang paghaharap nina bantamweight champion Ricky Gayamo ng Baguio City at Abner Cordero ng Ifugao.
Isa pang karagdagang atraksiyon ay ang sagupaan sa pagitan ng local junior flyweight titlist Jovan Presbitero at challenger Sukarno Banjao sa isa ring 12-rounder fights.
Tatayong referee/judge sa Tuñacao-Mangubat fights si Bruce McTavish ng New Zealand, habang ang iba pang judges ay sina Alex Villacampa at Vincent Rodriguez.
Samantala, isang eksplosibong event ang ipalalabas ngayong alas-10 ng gabi sa Viva Vintage TV sa IBC-13.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am