^

PSN Palaro

Stags lusot sa Dolphins

-
Nagpakatatag sa huling bahagi ng labanan ang San Sebastian College upang maligtasan ang paghahabol ng Philippine Christian University at igupo ito sa iskor na 61-55 kahapon sa 77th NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Trumangko sa opensa ng Stags si Mark Macapagal nang kumana ito ng 16 puntos kabilang ang apat na triples bukod pa ang paghugot ng anim na rebounds , apat na assists at limang steals upang dalhin ang Recto-based cagers sa ikalawang panalo matapos ang apat na asignatura.

Ang kabiguan ay higit pang naglubog sa Dolphins sa pakikisosyo sa ilalim ng standings sa Perpetual Help U na may 1-3 karta.

Agad na ipinatikim ng Stags ang kanilang lupit nang itala ang 42-24 kalamangan, patungong 1:53 ang nalalabi sa second quarter.

Huling nakalapit ang PCU sa 55-58, 44 segundo na lamang ang nalalabi sa laro nang pangunahan ni Leo Gaspi ang 13-3 bomba kung saan umiskor ito ng siyam na puntos.

Samantala, dinuplika naman ng Staglets ang panalo ng kanilang senior counterparts nang hiyain ang Baby Dolphins, 82-64.

vuukle comment

BABY DOLPHINS

HULING

LEO GASPI

MARK MACAPAGAL

NAGPAKATATAG

PERPETUAL HELP U

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAMANTALA

SAN SEBASTIAN COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with