^

PSN Palaro

Sa NCAA Basketball; Winning streak nais ng Letran Knights

-
Makabangon sa masaklap na pagkatalo ang nasa isipan ngayon ng nagtatanggol na kampeong College of St. Benilde, habang target naman ng Letran College na mapalawig ang kanilang winning streak sa tatlong sunod sa pagbabalik aksiyon ng 77th NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Umaasa ang Blazers na muling magbabalik sa dating porma matapos ang 64-68 pag-katalo kontra sa host PCU sa kanilang pakikipag-laban kontra Mapua Institute of Technology sa ala-1:30 ng hapon, habang maghaharap naman ang Knights at ang University of Perpetual Help-Rizal sa alas-5.

Magkasosyo ang St. Benilde at Letran sa ikalawang puwesto sanhi ng kanilang 2-1 panalo-talo karta, habang magkakasama naman sa ilalim ng standings ang Mapua, San Beda, San Sebastian, PCU at Perpetual na pawang nag-iingat ng 1-2 record.

Siguradong nakapaghanda na ang Blazers sa kanilang laban dala ang leksiyon na kanilang natutunan kung saan nagkumpiyansa sila na magaang ang hamon ng kanilang nakaharap sa huling laban ang PCU Dolphins na dahilan ng pagkakaroon nila ng dungis.

"It’s part of building up the boys’ championship character. They’ve proven to themselves how "that tendency to relax" that I’ve been telling them could adversely affect the team and they learned their lesson the hard way," ani coach Dong Vergeire.

Sa juniors division, maghaharap naman ang Mapua Red Robins at Greenhills Blazers sa alas-3:30, habang titipanin ng Letran Squires ang UPHR Altalettes sa alas-12 ng tanghali. (Ulat ni Maribeth Repizo)

COLLEGE OF ST. BENILDE

DONG VERGEIRE

GREENHILLS BLAZERS

LETRAN COLLEGE

LETRAN SQUIRES

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MAPUA RED ROBINS

MARIBETH REPIZO

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with