UE Pages vs NU Bullpups sa 64th Season ng UAAP

Sisimulan ngayong umaga ang aksiyon ng 64th season ng University Athletic Association women’s basketball kung saan tatlong umaatikabong mainit na salpukan ang masisilayan sa UST gym.

Makakaharap ng Ateneo de Manila University ang Adamson University sa alas-8 ng umaga bilang pambungad na sultada.

Mag-uunahan naman sa pagkuha ng unang panalo ang Far Eastern University at ang University of the East sa alas-9:30, bago makakasa-gupa ng University of the Philippines ang University of Santo Tomas sa alas-11 ng umaga.

Magbabalik naman ang aksiyon sa juniors division kung saan haharapin ng UE ang National University sa ala-1:30 ng hapon at isusunod ang banggaan ng UP at Adamson sa alas-3.

Nauna ng nagposte ng panalo ang Ateneo Blue Eaglets na naghaha-ngad ng Grandslam kontra sa kanilang mahigpit na karibal na La Salle Bengals noong Linggo, 88-66 sa Araneta Coliseum.

Show comments