^

PSN Palaro

Importanteng panalo para sa apat na koponan

-
Napakahalaga ng panalo sa apat na koponan na maglalaban-laban ngayon sa penultimate game-day ng PBA Commissioner’s Cup na dadako sa Ynares Center sa Antipolo City.

Kaya naman siguradong mahigpit na sagupaan ang masisilayan sa paghaharap ng Mobiline Phone Pals at Alaska Aces gayundin ang Ba-rangay Ginebra at Shell Velocity upang makamit ang mahalagang panalo.

Ang Phone Pals at Aces ay magsasagupa sa ganap na alas-4:15 ng hapon habang isusunod naman ang engkuwentro ng Gin Kings at Turbo Chargers sa dakong alas-6:30 ng gabi bilang main game.

Para sa Mobiline, ang tagumpay ay magpopormalisa ng kanilang pag-usad sa eight team quarterfinals upang di na kailangan pang dumaan sa playoff.

Makapuwesto naman sa pintuan ng top-four na mabibiyayaan ng bentaheng twice-to-beat sa quarterfinal phase ang layunin ng Alaska at Ginebra.

Manatiling buhay ang tsansang makapasok sa susunod na round ang layunin ng Shell dahil ang kanilang panalo ay magbibigay sa kanila ng karapatang makisalo sa playoff para sa huling quarter-finals berth.

Tanging ang Batang Red Bull at defending champion San Miguel Beer pa lamang ang nakakasiguro ng bentaheng twice-to-beat at ang huling dalawang slots ay pinaglalabanan ng apat na koponan.

Kailangang ipanalo ng Gin Kings at Aces ang larong ito upang magka-roon ng tsansa sa top four at tuluyan nang makakuha ng twice-to-beat kung nakakaangat ang kanilang qoutient sa pagtatapos ng eliminations.

Ang Alaska at Ginebra ay kapwa nag-iingat ng 4-4 record tulad ng walang larong Sta. Lucia Realty habang ang Phone Pals ay may 3-4 record kaya’t kung sila ay mabibigo ngayon ay may tsansa pa silang awtomatikong makausad sa susunod na round kung sila ay mana-nalo kontra sa Realtors sa Miyerkules.

Ang Turbo Chargers naman ay nangungulelat sanhi ng kanilang ng 2-6 kartada sa likuran ng Pop Cola Panthers at Tanduay Gold Rhum na kapwa nakakasiguro na ng playoff sa huling quarterfinals berth bunga ng kanilang 3-6 pagtatapos sa elims.

Magkakasubukan ng lakas sina Todd Bernard ng Phone Pals at Ter-rance Badgett ng Alaska sa importanteng larong ito, gayundin sina Jerald Honeycutt at Tremain Wingfield ng Ginebra at Shell, ayon sa pagkakasunod.

Hangad ng Alaska na mawakasan ang kanilang kasalukuyang kamalasan matapos malasap ang apat na sunod na talo habang nais naman ng Turbo Chargers na magtuloy-tuloy na ang kanilang suwerte makaraang mapigilan ang kanilang six-game losing streak.

ALASKA ACES

ANG ALASKA

ANG PHONE PALS

ANG TURBO CHARGERS

ANTIPOLO CITY

GIN KINGS

GINEBRA

KANILANG

PHONE PALS

TURBO CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with