At sa pagbubukas ng 64th UAAP basketball season sa Sabado sa Araneta Coliseum, masisilayan na ang tikas ng kani-kanilang mga anak kung ito ay susunod sa kanilang mga yapak o hihigit pa.
Lalaro sa kanyang ikalawang taon si Alberto Guidaben Jr., para sa koponan ng UP Maroons sa ilalim ni coach Ryan Gregorio. Ang 6-foot-1 na nakababatang Guidaben ay lalarong point guard taliwas sa kanyang ama na sentro ang posisyon. Naglaro rin siya sa Ateneo ng ito ay nasa high school pa.
Dalawang anak naman ni Freddie Hubalde ang sumunod sa kanyang landas--itoy ang six-foot-two na si Frederic na matangkad gaya ng kanyang ama at isa sa matinik na shooters mula sa 3-point range at bahagya ng nanalo ng Rookie of the Year sa nakalipas na dalawang season. Siya ay nasa ikatlong taon na sa ilalm ni coach Aric del Rosario ng UST at isa sa magiging susi ng Growling Tigers sa kanilang kampanya ngayong taon.
Bahagya namang maliit ng dalawang inches ang kanyang kapatid na si Paolo na isang mahusay na point guard para sa UE na tatatrangkuhan ni coach Boysie Zamar. Sina Derick at Paolo ay kapwa naglaro sa high school ball sa Mapua, ang Alma Mater ng kanilang ama.
Kasama ni Derick Hubalde sa UST ang isa pang anak ng kilalang shooter sa pro loop na si Jimmy Manansala--si Jinino, isang 58 guard na may mahu-say na kamay sa labas.
Ngunit ayon sa mga coaches, isa sa pinaka-promising na manlalaro sa liga ay ang 65 na si Christian Cabatu na isa sa rookie ng defending champion La Salle ngayong season. Inaasahan pang tatangkad si Cabatu na nahugot ni coach Franz Pumaren sa St. Vincents High School.
Ang iba pang mga manlalaro na posibleng sumunod sa yapak ng kani-kanilang ama ay sina Ren Ren Ritualo, anak ni Floreindo Ritualo Jr., na nag-laro para sa Great Taste mula 1973-83 at Richard dela Rosa, anak naman ni Bert dela Rosa na naglaro sa PBA mula 1977-84, pinaghatian din niya ang 321 games sa koponan ng Tanduay at Beer Hausen.