^

PSN Palaro

Stags pinasabog ng Heavy Bombers sa NCAA Basketball Tournament

-
Binuksan ng Jose Rizal University ang kanilang kampanya sa 2001 season ng NCAA men’s basketball tournament sa pamamagitan ng 55-54 pananalasa sa San Sebastian College sa pagbubukas ng ika-77th edisyon ng pinamakatandang torneong ito sa Araneta Coliseum kahapon.

Naging bayani sa buwena-manong panalong ng JRU Heavy Bombers si Ariel Capus na umiskor ng split shot sa huling 16.7 segundo ng labanan buhat sa foul ni Paul Reguerra na naging tuntungan ng Jose Rizal sa tagumpay.

Bagamat may pagkakataon ang SSC Stags na agawin ang panalo, nagmintis ang short jumper ni Nurjanjam Alfad matapos tanggapin ang inbound pass mula kay Nicole Uy sa ilalim dahil na rin sa mahigpit na depensa nina Ernani Epondulan at Capus.

Papasok sa huling dalawang minuto ng labanan, naitabla ni Nathaniel Gregorio ang score sa 54-all nang kumana ito ng tres, 2:00 minuto pa ang oras sa laro.

Nabigyan ng pagkakataon sa free-throw line si Christian Coronel nang makahugot ito ng foul mula kay Capus sanhi ng penalty situation, 25.1 tikada ang nalalabing oras sa laro ngunit parehong pumaltos ang kanyang dalawang bonus shots.

Humantong sa mainit na agawan ng bola ang sumunod na tagpo hanggang sa nakuha ni Epondulan ang loose ball at ipinasa sa malapit na kakamping si Capus na agad namang na-foul ni Reguerra.

Bagamat nagmintis ang una, siniguro ni Capus ang ikalawang free throw upang isalba ang Jose Rizal.

Sa ikalawang laro, maagang ipinalasap ng University of Perpetual Help-Rizal ang 61-52 kabiguan sa Mapua.

Magarbong seremonya ang inihanda ng host Philippine Christian University kung saan panauhing pandangal si Manila Mayor Lito Atienza.

ARANETA COLISEUM

ARIEL CAPUS

BAGAMAT

CAPUS

CHRISTIAN CORONEL

ERNANI EPONDULAN

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with