Dahil sa pagbubukas ng 64th season ng UAAP basketball tournament sa Hulyo 14 sa Araneta Coliseum. Ang Adamson University ay maglalaro ng wala sina Joshua Ramirez, Emil Malana, Bruce Lee, Chris Eusebio at Noel Domingo na nagtapos na, ipaparada ng Falcons na pinahihirapan ng liga sa nakalipas na apat na taon ng mga baguhan na binubuo ng mga rookies at limang holdovers mula sa nakaraang koponan. Sa makatuwid ang koponan ay magsisimula ng muli.
"We’re rebuilding right now," anang sophomore coach Luigi Trillo na umaasa pa rin na ang kanyang koponan ay makapagtatapos ng maganda.
"We’re the weakest team. And until we start winning games, we’re still gonna be the league’s whipping boys but we’re working hard. We made a few surprises during the off-season. Hopefully it will carryover to the actual tournament," wika pa ni Trillo.
Napagwagian ng Falcons ang anim sa siyam na laro sa nakaraang taong Fr. Martin’s Cup at kanilang tinalo ang PCU at ang second team ng Ateneo. Nag-wagi rin sila ng hindi bababa sa isang laro para makapasok sa semifinals.
At sa bagong koponan na ito ni Trillo, malaki ang kanyang kumpiyansa na matatabunan nila ang hindi magandang performance ng Falcons sa nakaraang season simula noong 1999 at maaalis na rin ang taguri sa kanilang "whipping boys’.
"I’ll just have to look at it from an optimistic point of view. We have nothing to lose and I should say there’s should be no other about is 6-foot-2 rookie point guard Mark Abadia, a prize find from Cebu," dagdag pa ni Trillo.
Si Abadia ay kilala sa Cebu kung saan napagwagian niya ang MVP award sa high school at maging ang kanyang kauna-unahang tournament sa commercial leagues ay nanalo siya ng MVP bilang rookie.
Bukod kay Abadia, ang iba pang rookies na aasahan ng Falcons ay sina Ramil Tagupa, Kim Gandarosa, Frank Taylor, Roel Capati, Reinel Catabay, Jojo Hate, Steve Rolan, Dennis Venal, Jeff Tajonera at Drexel Maganpoy. Sila ay makakasama ng mga datihang sina Christian Ferrer, Raymond Cinco, Michael Yong, Romy Mangulabnan at Melvin Mamaclay.