May balitang isang TRO ang diumanoy sini-sikap makuha ng player na si Jay Lapinid upang pigilan ang pagbubukas ng 2001 season ng NCAA sa Hulyo 7 sa Araneta Coliseum matapos itong tang-galin sa line-up ng College of St. Benilde.
Si Lapinid ay sinibak sa line-up ng CSB Blazers dahil sa paglabag sa alituntunin ng liga na kailangang magkaroon muna ng three-year residency bago ito maglaro sa commercial league.
Katatapos pa lamang ni Lapinid ng kanyang sophomore year sa St. Benilde nang maglaro ito sa Pharmaquick sa Philippine Basketball League na nadiskubre ng NCAA Board.
Ngunit para kay Rachab Cunanan, ang athletic coordinator ng PCU ay hindi ito magiging hadlang sa kanilang pagho-host sa season na ito ng NCAA at ito ay problema na ng St. Benilde at ni Lapinid.
"We consider it as a close case. Its already with our lawyers. It should have been a case between St. Benilde and the player since it is the school that selects its players," ani Cunanan sa mga media ng maging panauhin ito sa PSA Forum kahapon sa Holiday Inn.
Kaugnay nito, sinabi ni Cunanan na kailangang rebisahin ng NCAA ang kanilang policies upang mapabuti ang kanilang development program para sa kanilang basketball players.
Ayon kay Cunanan, kinakailangang ma-expose ang mga players sa mga liga upang lalong mag-improve ang kanilang skills.
Ang tema sa taong ito ay "Revitalizing the Heritage of Sports" at ang mga laro ay ipalalabas sa PTV-4 ng Media Conglomerates Inc., sa pamamagitan ng mga kagamitan ng Silverstars Communications.