^

PSN Palaro

Three-run homerun ni Binarao nagpanalo sa Navy

-
Ipinamalas ni Orlando Binarao ang kanyang dating porma nang kumana ng three-run home-run sa ikalimang inning upang pamunuan ang defending champion Navy na igupo ang Philab, 6-3 upang palakasin ang kanilang kampanya sa pagpapanatili ng korona sa pagbubukas ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) 12th Presidential Cup tournament sa Rizal ballpark.

Ang kinanang tatlong run ni Binarao sa fifth frame ang nagdala sa Sea Dragons sa 4-2 pamumuno matapos na iwanan ng Ballbusters ng tig-isang round sa first at four inning bago isinara ng outfielder na si Roel Empacis ang laban sa kanyang runs sa pamamagitan ng run-double sa eight innings.

Ang panalong ito ng Navy ang tila nagbabadya ng muli nilang pagbulsa ng ikalimang sunod na korona na kanilang napagwagian simula noong 1998 matapos na wakasan ang dominasyon ng Philab.

Unang nakaalagwa ang Ballbusters sa una at ikatlong frames para sa 2-1 bentahe.

Nauna rito, naglabas din ng impresibong laro ang Air Force nang sumandig ito sa tikas ng isa pang Binarao na si Ernesto nang kumana ng one-hitter upang ibaon ang PABA senior champion Army, 11-1 sa larong pinaikli sa seven inning bunga ng 10-runs rule.

Dumalo sa maikling opening ceremonies sina Philippine Sports Commission Ritchie Garcia kasama ang mga Amerikanong coaches mula sa major league na sina Jim Ramos at Dennis Bonebreak.

AIR FORCE

BALLBUSTERS

BINARAO

DENNIS BONEBREAK

JIM RAMOS

ORLANDO BINARAO

PHILAB

PHILIPPINE AMATEUR BASEBALL ASSOCIATION

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION RITCHIE GARCIA

PRESIDENTIAL CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with