^

PSN Palaro

Ikalawang panalo balak ipuslit ng Welcoat

-
Ikalawang sunod na panalo ang tatangkaing maipuslit ngayon ng defending champion Welcoat Paints sa kanilang nakatakdang muling paghaharap ng Shark Energy Drink sa Game Two ng kani-lang 2001 Alaxan-PBL Chairman’s Cup best-of-seven championship series sa Makati Coliseum.

Nakatakda ang laro bandang alas-4 ng hapon.

Unang naihakbang ng Welcoat ang kanilang paa tungo sa kanilang kampanyang manatiling hawak ang korona nang kumawala sa end-game upang itakas ang 58-57 panalo kontra sa Shark noong Huwebes ng gabi.

Ngunit di dapat pagbasehan ang unang paghaharap ng dalawang koponan kundi ito pa lamang ang simula ng kanilang tunay na labanan para sa korona.

Aminado si Paint Masters coach Junel Baculi na mayroong mga kamalian na dapat nilang maresolba hangga’t maaga, dahil kung makabalik ang Shark paniguradong delikado ang kanilang katayuan.

"We managed to clamp down Shark’s outside shooting through the zone and I credit the boys for the good defense they showed in the end-game," ani Baculi.

"But there are several lapses we have to remedy. I’m pretty sure that coach Leo (Austria) will be doing his homework. I told the boys that we have to play better offense, better ball rotation and better shot selection," dagdag pa ni Baculi.

Kailangan ni Baculi na gumawa ng ilang malalaking adjustments dahil makikita sa Game One na halos dominado ng Power Boosters ang board, 45-28 at naging mahusay ang kanilang mga pulso sa pagkana ng 23-of-57 kontra sa Shark na may 22-of-61 shooting.

Tanging si Ren Ren Ritualo lamang ang naging impresibo sa nasabing laro ng kumana ito ng 18 puntos kung saan nagsalpak ito ng dalawang tres mula sa kanyang anim na pagtatangka, maliban sa kanya wala ng iba pang manlalaro ng Paint Masters ang nakapagtala ng double digits.

"Hindi naman ako nababahala sa Game One loss namin dahil isang game pa lamang yan. At least, walang signs ng 0-4 stigma namin two conferences ago," sabi naman ni Austria.

"Hindi naman namin problema yung zone nila, pero sana mag-click ang mga shooters namin, both the starters and the bench players. And we also have to keep on double-teaming those in the paint like Yancy de Ocampo and Frederick Canlas," dagdag pa ni Austria.

Nauna rito, tangka ng Giv Soap na mapasakamay na ang konsolasyong ikatlong puwesto sa nakatakda nilang muling pagtitipan ng Ana Freezers sa game Two ng kanilang sariling best-of-three series sa alas-2.

ANA FREEZERS

GAME

GAME ONE

GAME TWO

GIV SOAP

PAINT MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with