Mainit na bakbakan para sa finals slots
June 12, 2001 | 12:00am
Apat na koponan ang magtatangkang mapasakamay ang dalawang finals slot ngayon sa pagbabalik aksiyon ng 2001 PBL Chairmans Cup crossover semifinals sa Makati Coliseum.
Asinta ng Challenge Cup champion Shark Energy Drink ang kanilang ikatlong finals appearance sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban sa Giv Soap sa alas-3:30 ng hapon, habang mapapasabak naman ang defending champion Welcoat Paints sa Ana Freezers sa alas-5:30.
Ang mananalo sa labang ito ang siyang maglalaban naman para sa best-of-seven championship series, habang ang talunan ay magtitipan para sa best-of-three konsolasyong ikatlong puwesto.
Umaasa ang Shark na makakaahon mula sa kanilang nakakadisma-yang 34-58 kabiguan sa unang semifinals match kontra Giv Soap noong Hunyo 6 at ito ang pinagtutuunan ng pansin ni coach Leo Austria para makamit ang unang finals berth.
Ang nasabing laban ay nagposte ng ilang all-time low records para sa Power Boosters. Ito rin ang kanilang mababang final score at mababang halftime score na 12.
Nalimita dito si Rysal Castro sa limang puntos ngayong season maging si Michael Robinson ay nabokya.
"I expect a better team to play today," ani Austria. "Actually, wala akong masyadong adjustment o pattern na ginawa. Its more on mental toughness. But because of that loss, lalong tumaas ang morale nila. Kumbaga, habang nasusugatan, lalong tumatapang."
Sa kabila nito, nais naman ng Welcoat na magtagumpay sa kanilang ikalimang sunod na pagtatangka sa finals at hawak rin nito ang 2-1 kalamangan kontra sa Ana matapos ang 72-53 panalo noong Hunyo 7.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended