^

PSN Palaro

Boysen - MLQU kampeon pa rin

-
Matagumpay na naidepensa ng Boysen-MLQU ang kanilang titulo upang makopo ang back-to-back title sa Philippine Youth Basketball League matapos ang 69-62 pamamayani kontra sa University of the Philippines-Waterfront sa kanilang knockout game kahapon sa Makati Coliseum.

Nagtulong-tulong sina Lito Saygo, Theody Habelito, Cezar Rivera at Marphil Limbo na pare-parehong tumapos ng double digits upang isulong ang Paint Masters sa tagum-pay.

Buhat sa 53-48 kalamangan ng MLQU, pinalaki ng Boysen ang kanilang agwat sa 12 puntos nang pangunahan ni Danilo Conmigo ang 8-1 produksiyon para sa kanilang 61-49 bentahe, 1:36 na lamang ang nalalabing oras sa labanan.

Bunga nito, nagkasya lamang ang Maroons sa pagi-ging runner-up habang napasakamay naman ng University of Assumption-Goldilocks ang konsolasyong third place matapos ang 91-76 panalo laban sa Regent sa unang laro.

Samanta, sa PBL Showcase, tinanghal na bagong slam dunk king si Manuel Caseres nang umiskor ito ng perfect 80 points, habang inagaw naman ni Michael Bravo ng UP-Waterfront ang long distance shootout title mula kay Renren Ritualo ng Welcoat.

BOYSEN

CEZAR RIVERA

DANILO CONMIGO

LITO SAYGO

MAKATI COLISEUM

MANUEL CASERES

MARPHIL LIMBO

MICHAEL BRAVO

PAINT MASTERS

PHILIPPINE YOUTH BASKETBALL LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with