^

PSN Palaro

Blades vs Lakers

-
Tangka ng LBC Batangas Blades ang solong liderato sa kanilang pakikipaglaban kontra sa Laguna Lakers sa alas-5:30 ng hapon ngayon sa MBA First Phase na dadako sa San Luis Sports Complex.

Siguradong muling aasahan ng Blades sa kanilang misyon ngayon ang apat na manlalaro mula sa Manila Metrostars na siyang naging susi ng Batangas sa kanilang unang panalo, 84-81 kontra sa defending champion Andok’s San Juan Knights noong Linggo.

Samantala, nais naman ng Knights na makabawi mula sa kanilang natamong unang kabiguan sa nakatakldang pakikipagtipan kontra sa Nueva Ecija Patriots sa unang laro dakong alas-3 ng hapon.

Babanderahan ni Rommel Adducul ang opensa ng Blades katulong sina Eddie Laure, Stephen Antonio, Alex Compton at Tonyboy Espinosa.

At para naman sa Lakers, nandiyan sina Jeffrey Flowers, Chris Nicdao, Chris Clay, Junel Mendiola at Biboy Simon para supilin ang kabila.

ALEX COMPTON

BATANGAS BLADES

BIBOY SIMON

CHRIS CLAY

CHRIS NICDAO

EDDIE LAURE

FIRST PHASE

JEFFREY FLOWERS

JUNEL MENDIOLA

LAGUNA LAKERS

MANILA METROSTARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with