^

PSN Palaro

Johnson, Wood, Ward kikilatisin

-
Pagdating sa labanan sa Philippine Basketball Association, walang kapa-kapatid.

Kung ang sister company na Barangay Ginebra ay pinatulan ng San Miguel Beer, ang Purefoods pa kaya?

Sisimulan ngayon ng Beermen ang kanilang kampanya sa pagdedepensa ng titulo sa pakikipagharap sa kanilang bagong sister company na TJ Hotdogs sa pagpa-patuloy ng aksiyon nga-yon sa PhilSports Arena.

Mapapasabak din ngayon ang Gin Kings, tinalo ng San Miguel sa best-of-seven championship series sa 4-2 para sa All-Filipino Cup title kontra sa Mobiline Phone Pals.

Kabilang na ngayon sa mga anak ng business tycoon na si Danding Cojuangco ang Purefoods matapos mabili ito ng San Miguel Corporation, ilang buwan pa lamang ang nakakaraan.

Unang isasalang ang sagupaang Ginebra at Mobiline sa ganap na alas-5:15 ng hapon sa PhilSports Arena habang ang main game sa pagitan ng TJ Hotdogs at SMBeer ay sisimulan dakong alas-7:30 ng gabi.

Makakasama ng Beermen sa kanilang layunin ang kanilang reinforcement na si Nate Johnson, nasukatan sa taas na 6’4 buhat sa University of Louisville, may karanasan sa International Basketball League ngunit walang gaanong credentials na maipagyayabang.

Ngunit angkop ang kanyang istilo ng laro sa Beermen na makakatulong nina Danny Seigle, Danny Ildefonso, Olsen Racela, Dwight Lago, Nic Belasco, Boybits Victoria, Freddie Abuda at iba pa.

Makakatapat naman ni Johnson ang bigating si David Wood, may taas na 6’7 buhat sa Washington, may karanasan sa Continental Basketball Association at Spanish League at higit sa lahat ay lehitimong beterano ng National Basketball Association.

Si Wood ay nakapaglaro sa koponan sa NBA na kinabibilangan ng Chicago Bulls, Houston Rockets, San Antonio Spurs, Detroit Pistons, Cleveland Cavaliers, Phoenix Suns, Dallas Mavericks at Milwaukee Bucks.

Ibinalik naman ng Gin Kings ang kanilang import na si Ryan Fletcher, 6’7 ang height , galing sa University of Cincinnati at naglaro sa France league.

Inaasahang magbibigay ng ibayong lakas si Jerod Ward sa Phone Pals.

Ang 27-gulang na si Ward ay may taas na 6’5 buhat sa University of Michigan at naglaro sa American Basketball Association para sa LA Stars kung saan may average ito na 20-puntos at 8-rebounds.

Ang Mobiline ang pinakahuling koponan na nagkaroon ng import dahil hindi sila nasiyahan sa performance ni Shawn Simpsons kaya’t pinauwi na lamang ito sa States at di na pinapunta sa sukatan ng import. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ALL-FILIPINO CUP

AMERICAN BASKETBALL ASSOCIATION

ANG MOBILINE

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

BOYBITS VICTORIA

GIN KINGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with