^

PSN Palaro

UP nakapuwersa ng sudden-death playoff

-
Naipuwersa ng University of the Philippines-Waterfront ang sudden-death nang kanilang igupo ang Regent Cheeseballs, 69-64 sa pagsisimula ng crossover semifinals ng 1st Crystal Spring PYBL Title Cup sa Makati Coliseum kahapon.

Iniligtas ni Mark Jomalesa ang UP Maroons nang umiskor ito ng dalawang free throws patungong huling anim na segundo ng labanan upang ihatid ang Waterfront sa panigurong kalamangan at siyang final score.

Bunga nito, muling makakaharap ng tropa ni UP coach Ryan Gregorio ang Regent sa Game Two na gaganapin sa Biyernes upang matukoy kung sino ang uusad sa finals na isasabay sa PBL Showcase sa Sabado.

Napakinabangan ng Snack Experts ang kanilang natamong bentaheng twice-to-beat kaya’t may pag-asa pa silang makabawi at makasulong sa kampeonato sa kanilang rubber match.

Matapos itabla ng Regent ang iskor sa 64-all nang maikonekta ni Jeffrey Cocjin ang kanyang tres, kinumpleto naman ni Robson Bornancin ang kanyang three point play upang ibigay sa Maroons ang 67-64 kalamangan.

Tuluyan nang nadiskaril ang Regent nang magmintis ang tres ni Cocjin sa sumunod na play at kasunod nito ay nakahugot ng foul si Jomalesa upang tuluyang iposte ang final score.

Sa isa pang crossover semis match, maglalaban ang defending champion Boysen-MLQU at University of Assumption na nakatakdang magharap bukas. Sa semis match na ito ay may taglay na twice-to-beat advantage ang Paint Masters.

Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyang naglalaban ang Shark Energy Drinks at Giv Soap sa semifinals ng PBL Chairman’s Cup.

Pinangunahan ni Michael Roland Bravo ang UP-Waterfront sa paghakot ng 23-puntos bukod pa sa kanyang 10 rebounds.

CRYSTAL SPRING

GAME TWO

GIV SOAP

JEFFREY COCJIN

MAKATI COLISEUM

MARK JOMALESA

MICHAEL ROLAND BRAVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with