Isang malaking sorpresa ang ginawa ni Abbigail Tindugan, na nasa una niyang international stint nang pumana ito ng 1,232 puntos upang maka-rating sa 43rd place sa womens recurve.
Ang 19-anyos na mula sa Balut, Tondo na si Tindugan ay pumalaso ng mga iskor sa 292, 314, 290 at 336 sa 70, 60, 50 at 30meter distance, ayon sa pagkakasunod.
Bumandera sa grupo ang Sydney Olympian na si Jennifer Chan nang tumuntong sa 23rd spot sa kanyang itinalang 1,272 markers (305, 323, 305 at 339) dito sa napakalamig na Wonju Archery Field.
Nasa ika-50th puwesto mula sa 64 na nakaabante sa pinakawalang Olympic Round na isang knockout match o tennis style si Purita Joy Marinao na may 1,203 (283, 300, 291 at 329), sa pang-59th place naman ang tinapos ng 1998 US Open intermediate titlist na si Adelinda Figuerroa sa kanyang 1,145 puntos.
Dahil sa kanilang total score na 3,707 ang naglagay sa RP womens team sa 13th place mula sa 16 teams na umusad sa susunod na round.
Inokupahan naman nina Christian Fraginal, Marvin Cordero, Bryan Carlo Figuerroa at Syd Nerickzon Fraginal ang 30th 50th, 56th at 62nd slots.