^

PSN Palaro

May 'super import' ang Pop Cola Panthers

-
Malaking tulong ang ibinigay ni Chot Reyes sa bansa ilang taon ang nakakaraan, sa pamamagitan ng pag-scout sa Chinese at Japanese para sa World Basketball Championship sa Athens, Greece.

At ang trabahong ito ang naiambag niya sa Philippine Basketball Association Centennial Team, bagamat nalimutan na niya ang tungkol sa mga Asian neighbors kung paano ito maglaro ngayon, isa lang ang di niya malilimutan, ang mahusay na forward na nakasuot ng red-white-and-blue na uniporme ng Amerika.

Kung kaya’t pinilit niyang dalhin sa Pilipinas si Jason Sasser para maging reinforcement ng Pop Cola sa darating na Commissioner’s Cup.

"Alam mo naman ang team ng Pop Cola, ganun-ganun lang naman iyon, that’s why an import like Jason Sasser will surely be a welcome addition," ani Reyes. "He comes to our team to plug all the deficiencies we have. He’s good."

Ngayon pa lamang ay tinaguriang ‘super import’ na si Sasser na inaasahang sumunod sa yapak ng mga Amerikano na nagsipaglaro sa PBA, tulad nina Billy Ray Bates, Tony Harris, Bobby Parks at iba pa.

"Magaling siya, magaling mag-ingles," biro ni Reyes. "Pero seriously, I really wanted him since 1997 pa, but he wasn’t available. In 1998, when I saw him in Greece, sabi ko sa sarili ko, once I get to bring this guy to the Philippines, he will be a hit. And he can help any team which he plays for."

Tangan ni Sasser ang sangkatutak na National Basketball Association experience, naglaro siya para sa San Antonio, New Jersey, Dallas at Vancouver noong nakaraang season habang hinirang siyang Rookie of the Year noong 1997 sa Continental Basketball Association season bago lumipat sa NBA sa pamamagitan ng Spurs.

At kung ang nasabing mga credentials ay hindi impresibo, bahala na.

"I saw him in the CBA All-Star Game in 1997 and he was really great. He played so well in that game that San Antonio scouts recruited him to the NBA after that. He is still NBA material at this point, kaya mahirap kunin. Ayaw lumayo sa America because he might get a call (from an NBA team) anytime."

Dumating si Sasser sa bansa noong Biyernes ng umaga at agad na sumama sa ensayo kinagabihan upang i-kundisiyon ang kanyang katawan.

Bagamat ang koponan ni Reyes ang siyang pinakamaliit sa field. Naniniwala siya na ang Panthers ay ang number 1 team bunga ng ipinamalas nilang performance sa nakaraang All-Filipino Cup kung saan tumapos sila ng ikatlong pwesto.

ALL-FILIPINO CUP

JASON SASSER

POP COLA

REYES

SAN ANTONIO

SASSER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with