^

PSN Palaro

MLQU-Boysen silat sa Regent Cheese Ball

-
Nauwi sa wala ang pagpupursigi ng defending champion MLQU-Boysen Paints na pataubin ang Regent Cheese Ball nang daigin sila nito sa iskor na 51-52 sa pagpapatuloy kahapon ng 1st Crystal Spring PYBL Title Cup sa Makati Coliseum.

Inalat ang Snack Experts nang kumana ng tres si Rudy Espino para iposte ang 12 puntos na pinakamalaking kalamangan ng Paintboys sa 52-40 may 5:11 ang nala-labing oras sa laro.

Ang pagkakataong ito ay hindi na pinakawalan pa ng Paintboys nang muling umarangkada sa 10-0 run upang ilubog ang Snack Experts.

Ngunit , di nawalan ng loob ang Regent nang magsimula itong umahon mula sa kanilang kinalulubugan sa pagsapit ng huling maiinit na bahagi ng laro tungo sa kanilang panalo.

Pinangunahan ni Edilito Saygo ang kampanya ng Boysen-MLQU sa kanyang tinapos na 24 puntos, ngunit kinapos siya ng suporta sa mga kasamahan na dahilan ng kanilang kabiguan.

Sa iba pang laro, inokupahan na ng University of the Philippines-Waterfront ang unang puwesto makaraang igupo ang Whiz Super Oil Treatment, 63-62. (Ulat ni Carol Fonceca)

vuukle comment

BOYSEN PAINTS

CAROL FONCECA

CRYSTAL SPRING

EDILITO SAYGO

MAKATI COLISEUM

PAINTBOYS

REGENT CHEESE BALL

RUDY ESPINO

SNACK EXPERTS

TITLE CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with