Shell 2T Triple TKC sa Isabela

SANTIAGO, Isabela -- Haharurot na ngayon ang Shell 2T Triple Tricycle King Challenge Santiago, Isabela leg sa parking grounds ng Pamahalaang Lungsod ng Santiago sa pakikipagtulungan ni Mayor Amy S. Navarro.

May 1,200 na bilang ng tricycles ang inaasahang sasali buhat sa iba’t ibang tricycle association dito ayon sa event organizer RACE motorsports Club (RMSC).

Sinabi pa ng RMSC na may malalaking cash prizes ang naghihintay sa bawat magwawagi maliban pa sa libreng Shell 2T motor at gear olis, belt bag, t-shirt, cap, key chain at back ride cover na ipamimigay ng Shell 2T Triple motor at gear oil, sponsor Fuji Film at Silverstar Cycle Wheels.

Para sa karagdagang de-talye makipagugnayan lamang sa mobile phones 0917-8119337 o 09178340831.

Show comments