Huling bahagi Salonpas 5K fun run gaganapin sa QC Memorial Circle

Sa pagtatagumpay ng Salonpas Run For Clean Elections sa Baguio at Cebu, sa Metro Manila naman gaganapin ang ikatlo at huling bahagi nito ngayon sa Quezon City Memorial Circle ganap na alas 6:00 ng umaga bilang suporta sa isang malinis, matapat at mapayapang eleksiyon.

Ang 5K run na ito ay handog ng Hisamitsu, gumagawa ng Salonpas, na bukas sa lahat na nagnanais na makibahagi sa isang malinis na eleksiyon.

Magwawagi ng tropeo, medalya at cash prizes ang mga unang makakatapos ng takbo habang tatanggap naman ng gift packs ang iba pang lalahok.

Maaaring makakuha ng mga registration forms sa Botak at Sporthouse stores.

Show comments