Bear Brand Kitefest 2001 sa Puerto Princesa

Ilalarga ngayon ang Bear Brand Kitefest 2001, ang pinakamalaki at pinakaprestihiyosong kompetisyon sa pagpapalipad ng saranggola sa Puerto Princesa, Palawan Sports Complex.

Ito ay bukas para sa lahat ng individuals, grupo ng pamilya at mga kaibigan kung saan mayroon itong apat na kategorya: Junior Kite para sa mga kabataan, Flat Kite, Geometric Kite at Figure Kite.

May malalaking mga pa-premyo at tropeo ang ipagkakaloob sa mga mananalo sa annual competition na ito na gaganapin din sa Manila at iba pang siyudad sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Bukod sa Puerto Princesa, ang Bear Brand Kitefest ay idaraos din sa Metro Manila sa Mayo 13.

Show comments