4th Criterium Races sa Mayo 7 sa QC

Magpapakita ng aksiyon ang mga matitikas na siklista ng bansa sa gaganaping 4th Wescor Criterium Races na nakatakda sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City sa darating na 4-Linggo ng Mayo.

Ang naturang apat na araw na karera ay hatid ng Wescor Transformer Coroporation at inorganisa ng Metropolitan Cycling Association (MCA) na sanctioned ng Philippine Amateur Cycling Association (PACA) sa ilalim ni PACA president Ponciano Regalado Jr.

Tampok sa ikaapat na edisyon ng karera ang Open Category, Masters Category at Executive Category.

Pangungunahan ni Victor Espiritu ang lahok ng PACA national pool, habang nagkumpirma naman ng pagsali ang magkapatid na Valdez sina Placido at Delio ng Nueva Ecija Team.

Inanyayahan para sa opening ceremonies sina PSC Chairman Carlos Tuason, POC president Celso Dayrit at House Speaker Sonny Bel-monte, tumatakbong Mayor ng Quezon City.

Kasalukuyan ng ginaganap ang patalaan sa opisina ng Wescor at hanapin lamang si Ricky Cruz at sa ELIXIR Bicycle Shop, Pasay Sports Complex at sa K.B. Velo-drome sa QC.

Show comments