^

PSN Palaro

Montana lusaw sa Giv

-
Nakabangon ang Giv Beauty Soap sa dalawang sunod na kabiguan nang kani-lang pasadsarin ang Montana Pawnshop, 71-63 sa pagpapatuloy ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Bunga nito, naiangat ng Soap Experts ang kanilang record sa 3-3 win-loss slate, habang dumausdos naman ang Jewelers sa 2-4 panalo-talo matapos mabigo ang kanilang tangkang pagbangon sa huling bahagi ng labanan.

Umabante ang Giv sa 64-53 matapos ang 18-4 run tampok ang tatlong tres ni Egay Billiones, ngunit nagsagawa ng rally ang Montana na nakalapit hanggang sa 61-64, 55 segundo ang nalalabing oras sa laro.

Ginising ni Edwin Bacani ang kanyang mga kasamahan nang kumpletuhin nito ang three-point play na naging mitsa sa 6-2 produksiyon upang maiselyo ang kanilang tagumpay.

Sa likod ng panalong ito, hindi pa rin tiwala si coach Nat Canson sa kanyang koponan dahil sa kanilang problema sa depensa na nagiging dahilan ng kanilang pagkulapso.

Pinangunahan ni Bacani ang Giv sa paghakot ng 19 puntos katulong sina Marlon Legaspi at Billiones na tumapos ng 15 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Makaraang isara ng Soap Experts ang ikatlong quarter na taglay ang 46-42 kalamangan, naagaw ng Montana ang pamumuno sa pamamagitan ng 7-0 run tungo sa 49-46 bentahe, ngunit ito na ang huling pagkakataong humawak ng kalamangan ang Jewelers.

Samantala, itinala naman ng University of Assumption at Whiz Super Oil Treatment ang kanilang panalo sa magkahiwalay na laro sa unang out-of-town ng 1st Crystal Spring PYBL Title Cup na ginanap kahapon sa University of the Assumption gym sa San Fernando, Pampanga.

Iniligtas ni Chris Jasper dela Cruz ang Assumption nang magtala ito ng dalawang split shot sa huling 6.2 segundo ng labanan upang igupo ang defending champion Boysen-MLQU, 71-70.

Sumandal naman ang Whiz Super Oil Treatment sa kabayanihan ni Carlo Ivan Cruz nang trangkuhan niya ang 78-77 panalo kontra sa Regent Cheeseballs.

vuukle comment

CARLO IVAN CRUZ

CHRIS JASPER

CRYSTAL SPRING

EDWIN BACANI

EGAY BILLIONES

GIV

GIV BEAUTY SOAP

MAKATI COLISEUM

SOAP EXPERTS

WHIZ SUPER OIL TREATMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with