^

PSN Palaro

Hong Kong pinayuko ng Pinoy chesser sa Asian Zonal Zone

-
Maningning na sinimulan ni Women’s National Master Beverly Mendoza ang kampanya ng bansa matapos na igupo sa 31-sulungan si Ching Li ng Hongkong sa pagsisimula ng Asian Zonal Zone (3.2a) Chess Championship kahapon sa Laguna Ballroom ng Grand Boulevard.

Magaang na tinalo ni Mendoza, ang nangu-ngunang babaeng performer ng bansa sa Istanbul Olympiad noong nakaraang taon si Li sa Exchange Variation ng Caro-Kann bago isinulong ang kanyang pawn patungo sa Queen-and-pawn endgame na siyang naging sandigan ng Pinay chesser sa unang panalo.

"Dinala ko kaagad sa endgame noong makita kong lamang na ako sa posisyon," wika ng 19-anyos na si Mendoza.

Ang tagumpay ni Mendoza ay nabahiran ng lungkot matapos na mabigong isulong ni WIM Christine Rose Mariano ang kanyang unang laro kontra Bayanmonh Anchimeg ng Mongolia.

Hindi nagawang tapatan ni Mariano ang husay ni Anchimeg nang tapusin ang laban sa 25-moves ng Center-Counter.

Matagumpay ang unang kampanya ng No. 10 seed na si Edhi Handoko ng Indonesia sa kanyang paghahanap sa korona nang talunin si Chor Yuenchong ng Hongkong sa 23 moves ng Sicilian.

Agad na nagpamalas si Handoko, isa sa apat na Indonesian chess players na nandito ng agresibong porma sa simula pa lamang ng laro bago niya nasungkit ang dalawang kabayong kalamangan na siyang naghatid sa kanya ng panalo.

Sa iba pang laro, tinalo ni Hong Phuong Vo ng Vietnam si Dashdondo Soyolmaa ng Mongolia sa 42 sulungan ng Four Knights Game.

Samantala nangako ang First Gentleman Jose Miguel "Mike" Arroyo na magbibigay siya ng buong suporta para sa mga chess players ng bansa sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission at National Chess Federation of the Philippines.

May pagmamalaki niyang sinabi na ang chess ay isang sport kung saan di matatawaran ang galing ng Pinoy katulad ng 16 anyos na si IM Mark Paragua at Woman International Master Arianne Caoli.

"I congratulate the grandmasters and the NCFP for bringing order back to the Philippine chess as we did when the country was plunged to disaster," dagdag pa ni Arroyo na nagsagawa ng ceremonial opening moves kasama si PAGCOR chairman Efraim Genuino. (Ulat ni Maribeth Repizo)

ASIAN ZONAL ZONE

BAYANMONH ANCHIMEG

CHESS CHAMPIONSHIP

CHING LI

CHOR YUENCHONG

CHRISTINE ROSE MARIANO

DASHDONDO SOYOLMAA

EDHI HANDOKO

EFRAIM GENUINO

MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with