^

PSN Palaro

Payla, naka-medalyang ginto sa 7th R. Balado Cup

-
Siniguro ni Violito Payla na maging maningning at di malilimutan ang kanyang kauna-unahang pagsabak sa international competition nang kanyang ibulsa ang nakatayang ginto sa flyweight division kontra sa promising na Cuban fighter sa pagtiklop ng 7th Roberto Balado Cup boxing tournament noong Martes ng gabi sa La Vereda Plaza dito.

Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay tinugtog sa closing ceremonies ng six-nation tournament na ito makaraang tanggapin ng 22-anyos at 5-foot-4 na si Payla ang kanyang gold medal para sa Team Philippines.

Naibulsa ni Payla, nahirang rin na best foreign boxer sa tournament na ito na idinaraos bilang parangal sa 1992 Barcelona Olympic champion na namatay noong 1994 sa isang car crash ang gold sa pamamagitan ng kumbinsidong 5-0 panalo kontra Roldolfo Perez, miyembro ng Cuban National Junior team.

Bukod kay Payla, umiskor rin ng panalo ang Team Philippines na suportado ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Adidas nang mapiling best foreign coach si Gregorio Caliwan at best referee naman ang AIBA referee/judge Darcito Teodoro.

Ito ang kauna-unahang pagsubok sa international competition ng kaliweteng si Payla na walang anumang ipinakitang karanasan sa ibabaw ng lona. Kanyang tinalo ang mga kalaban sa pamamagitan ng steady crossstraight combinations at ilang suntok sa katawan na dahilan upang mabilangan ng standing eight count ang kanyang kalaban na Cuban national may tatlong segundo na lamang ang nalalabi sa kanilang 51 kg., match.

Ang panalo ni Payla ang nakapaghiganti sa nalasap na 1-2 kabiguan ni lightfly Danilo Lerio kontra sa isa ring Cuba-nong kalaban na 1997 World Youth champion Andy Lafita sa finals.

Naibulsa ni Lerio ang silver bukod pa ang dalawang bronze medal mula sa nakatatandang kapatid na si bantam Arlan at lightwelter Romeo Brin.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina featherweight Ramil Zambales, lightweight Joel Barriga, welterweight Reynaldo Galido at light-middle Junie Tizon kasama rin sina assistant coach Nolito Velasco at Alex Arroyo, dating SEA Games gold medalist.

Nalampasan ng bansa ang kanilang magandang tinapos noong 1999 edisyon ng Balado Cup nang manalo ng ginto si Virgilio Vicera at tig-isang bronze naman ang magkapatid na Lerio. Noong nakaraang taon, impresibong performance rin ang tinapos ng koponan ng mag-uwi ang mga boxers ng isang silver at dalawang bronze mula kina Larry Semillano, Brin at Danilo Lerio.

ALEX ARROYO

ANDY LAFITA

ANG PAMBANSANG AWIT

BALADO CUP

BARCELONA OLYMPIC

CUBAN NATIONAL JUNIOR

DANILO LERIO

DARCITO TEODORO

PAYLA

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with