Welcoat, nagbalik na ang porma
April 20, 2001 | 12:00am
Nagbalik ang dating porma ng defending champion Welcoat Paints nang kanilang igupo ang Giv Beauty Soap, 78-74 sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum kahapon.
Napaganda ng Paint Master ang kanilang katayuan sa 2-3 win-loss slate habang nalasap naman ng Soap Masters ang kanilang ikalawang pagkatalo sa 4 na pakikipaglaban.
"Bumalik ang desire ng mga players to win," bungad ni Junel Baculi, ang coach ng Welcoat. "Ibang Welcoat ang naglaro, hindi kagaya ng dati na nagre-relax kapag lumalamang ng malaki."
Umiskor ng mga krusiyal na basket si Jojo Manalo kasabay naman ng pagkulapso ng Giv sa kanilang tangkang paghahabol na naging daan sa tagumpay ng Welcoat.
Naglaho ang naitatag na 16 puntos na kalamangan ng Paint Masters nang pangunahan nina Eric dela Cuesta at Egay Billones ang pagbangon ng Soap Masters na nakalapit sa 72-73, 3:24 ang nalalabing oras sa laro.
Buhat dito, nalimitahan sa isang basket ang Giv na nagkaroon ng dalawang krusiyal na turnovers at nagmintis sa mahalagang basket na naging sanhi ng kanilang kabiguan.
Umiskor si Manalo ng lay-up para sa 75-72 kalamangan ng Paint Masters, ngunit nanatiling buhay ang pag-asa ng Giv ng umiskor ng basket si dela Cuesta para sa 74-75, 1:01 ang nalalabing oras sa laro.
Nakahugot ng foul si Yancy de Ocampo mula kay Ogie Gumatay at ang dalawang free throws ang nag-hatid sa Welcoat sa 3 puntos na kalamangan, 23 segundo ang oras.
Tuluyan nang nadiskaril ang ha-ngarin ng Giv nang maagawan ni Manalo si Edwin Bacani na agad namang na-foul ni Gumatay, 11 segundo ang nasa tikada. Umiskor ng split shot si Manalo para sa final iskor.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended