Sa isang eksklusibong pakikipagpanayam ng Viva Vintage Sports kay Taulava na naglalaro ngayon sa binuhay na American Basketball Association para sa San Diego Wild Fire, sinabi nitong "I miss the Philippines and the PBA but most of all, I miss Ana and my little girl."
Sinabi ni Taulava na ginagawan ng paraan ng kanyang kasintahan na maalis sa blacklist ang kanyang pangalan para makabalik siya sa bansa at makapagpakasal at masuportahan ang kanyang anak na anitoy kanyang unang prayoridad.
Nareboka ang clearance ni Taulava na ibinigay ni dating Bureau of Immigration chief Rufus Rodriguez para makapaglaro sa PBA dahil nabigo itong patunayan na ang kanyang ina ay may dugong Filipino kayat napatalsik ito sa bansa.
Iginiit ni Taulava na itoy may dugong Pinoy ngunit nilisan nito ang bansa bago sumapit ang deportation deadline sapagkat dinamdam niya ito at sinabi niyang kasalukuyan pa rin niyang trinatrabaho ang kanyang mga papeles upang patunayan na ang kanyang ina na si Pauline Hernandez Mateaki ay buhat sa Samar.