Bear Brand Kitefest, lilipad sa Tagbilaran ngayon

Paliliparin ngayon ang Bear Brand Kitefest 2001, ang pinakamalaki at pinakaprestihiyosong kite-flying competition sa bansa sa Tagbilaran, Bohol sa Carlos P. Garcia Sports Complex.

Ang naturang kitefest ay bukas para sa lahat ng individuals, grupo ng pamilya o kaibigan na mayroong apat na kategorya: Junior Kite para sa mga kabataan, Flat Kite, Geometric Kite at Figure Kite Category.

Nakataya sa annual competition ang malalaking premyo at tropeo na gaganapin rin sa Manila at sa iba pang siyudad sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Bukod sa Tagbilaran, ang kitefest na ito ay idaraos din sa Baguio sa Abril 22; Puerto Princesa sa Abril 29 at Metro Manila sa Mayo 13.

Show comments