Katatagan asam ng Shark vs Osaka sa PBL Chairman's Cup
April 7, 2001 | 12:00am
Tangka ng Shark Energy Drink na mapalawig ang kanilang winning streak sa apat na sunod upang higit pang mapatatag ang kanilang kapit sa solong pamumuno sa nakatakdang pakikipaglaban ngayon kontra Osaka Iridology sa pagpapatuloy ng PBL Chairmans Cup sa Makati Coliseum.
Upang maisagawa ng Power Boosters ang kanilang misyon, kailangan nilang pantayan ang intensidad at bilis ng Iridologist sa kanilang nakatakdang alas-3:30 ng hapong sagupaan.
"Hindi puwedeng biruin ang Osaka. Its one gutsy and hardworking team and they won over us in a pre-season tune-up. Thats why we have to be extra cautious against them," pahayag ni coach Leo Austria.
"If you noticed, all our wins were close-shaved ones. Kailangang i-double ang efforts. Halos kasing lakas din namin yung shooters nila and we have to check that," dagdag pa ni Austria.
Matatandaan na sa huling laban ng Shark, sila ay nanga-pa sa unang yugto ng laro bago nila naikamada ang 63-57 panalo kontra sa Pharma-quick na siyang naglagay sa kanila sa liderato sanhi ng malinis na 3-0 kartada.
"Siguro, our biggest advantage is experience and hopefully, our experience will also work well against Osaka," wika pa ni Austria na inaasahang muling sasandig sa mga balikat nina Chester Tolomia, Gilbert Malabanan, Rysal Castro, Warren Ybañez at Michael Robinson.
Ngunit tiyak na hindi rin pahuhuli ang tropa ni coach Franz Pumaren na naghaha-ngad din na makabangon mula sa kanilang dalawang sunod na talo.
Kayat mas eksplosibong opensa ang inaasahang ilala-bas ng Osaka upang matapa-tan ang hamon ng Power Boosters.
Nauna rito, tangka rin ng Pharmaquick na makapasok na rin sa win column sa kanilang pang-ala-1:30 na sagupaan kontra Montana Pawnshop.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended