Purefoods nakasiguro na ng twice-to-beat sa PBA All Filipino Cup
April 7, 2001 | 12:00am
Inangkin ng Purefoods TJ Hotdogs ang ikatlong slot sa top-four matapos igupo ang Shell Velocity, 81-72 sa pag-usad ng umiinit na elimination ng PBA All-Filipino Cup sa Araneta Coliseum kagabi.
Umiskor si Rey Evangelista ng 22 puntos, 9-of-12 mula sa field upang pamunuan ang TJ Hot-dogs sa paglista ng ika-8 panalo sa ika-14th at huling asignatura sa elimination upang ma-kaseguro ng twice-to-beat advantage sa susunod na round.
Sa likod ng ikalimang pagkatalo ng Turbochargers sa kabuuang 14 laro, ang Shell ay nakakasiguro na rin ng twice-to-beat advantage na ipagkakaloob sa top-four teams sa pagtata-pos ng eliminations patungong quarterfinal phase.
Ang San Miguel Beer na may 8-5 kartada ay may puwesto na rin sa top-four kaya’t iisang ticket na lamang ang nalalabi para sa twice-to-beat na maaaring mapasakamay ng Pop Cola Panthers kung sila ay magtatagumpay kontra sa Barangay Ginebra na kasalukuyang naglalaro habang sinusulat ang artikulong ito.
Nakaapekto sa Shell ang pagkawala nina Jun Marzan at Dale Singson na parehong may injury habang di pa naman naibibigay ni Benjie Pa-ras ang kanyang 100% paglalaro dahil galing ito sa injury.
Nakasiguro ng slot sa top-four ang Pure-foods dahil sa kanilang mas mataas na qoutient laban sa Pop Cola, Red Bull at Ginebra na posible nilang maka-tabla sa 8 panalo.
"It’s nice to be at the top four," pahayag ni Purefoods coach Eric Altamirano."But it’s gon-na be a long lay-off for us and I hope we can maintain the momentum we have after this game," dagdag pa ng guro ng Hotdogs na ngayon ay may limang sunod na panalo.
Dinomina ng TJ Hotdogs ang laban kontra sa Turbochargers na ang tanging oposisyong naibigay sa Purefoods ay ang kanilang 15-1 run na tinapos ni Rob Wainwright sa pamamagitan ng tatlong sunod na basket upang makalapit sa 59-68 matapos umabante ng 23 puntos ang Purefoods.
Buhat sa 18-16 pag-sasara ng unang quarter, isang 13-2 run ang pinangunahan ni Evangelista upang iposte ang 33-18 kalamangan na di na binitiwan pa ng Purefoods at nagawa itong palobohin sa 67-44 bentahe mula sa triple ni Noy Castillo sa bungad ng fourth quarter.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am