^

PSN Palaro

Gayoso, matibay na ebidensiya ng PBA

-
Susuriin ng PBA fact-finding board ang paglabag sa salary cap rule ng Tanduay Gold Rhum batay sa isinumite ng isang witness.

Naniniwala ang PBA na may matibay na ebidensiya si Jayvee Gayoso na pinanghahawakan laban sa Basic Holdings Inc., ang prangkisa ng Tanduay Gold Rhum kung pagbabatayan ang mga bank account na ibinigay nito kay PBA finance officer Ricky Palou.

Si Palou ang isa sa three-man probe team na binuo ni PBA Commissioner Jun Bernardino.

Sinabi ni Palou na isinumite ni Gayoso ang isang bank account na nagpapalakas ng kanyang ebidensiya na ang Tanduay ay mayroong ‘under the table’ contract maliban sa kanyang uniform player contract na nilagdaan sa Tanduay.

Si Gayoso mayroong tatlong taong kontrata sa Tan frachise na magtatapos ngayon, subalit siya ay napilitang magretiro nang ang kanyang kontrata ay bilhin na lamang ng Rhummasters.

Sinabi pa ni Gayoso na siya ay tumatanggap ng karagdagang kita na P50,000 bawat buwan ng kanyang paglalaro sa Tanduay.

Gayunman, ang mga dokumento at pahayag ni Gayoso ay pag-aaralan pang mabuti ng PBA bago nila ito isumite sa PBA board of governors.

Kung sakali man na mapatunayang lumabag ang Tanduay sa salary cap, sila ay posibleng patawan ng sanction ng board na mapapadali sa kanilang tuluyang paglisan sa PBA.

Samantala, posible rin na imbestigahan ng PBA ang napabalitang may anomalya sa kontrata ni Pido Jarencio.

BASIC HOLDINGS INC

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

GAYOSO

JAYVEE GAYOSO

PBA

PIDO JARENCIO

TANDUAY

TANDUAY GOLD RHUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with