Hindi nakayanan ng tambalan ng Philippines 1 na sina Johanna Botor at Helen Dosdos ang lakas nina Kamolip Kulna at Jarunee Sarnnok ng Thailand 21-13, 21-12 at hindi rin naging masuwerte ang Philippines 2 nina Sheryl Tumayao at Jennifer Buhawe na yumuko sa Indonesian pair nina Ni Putu Timy Yudhano Rahayu at Riesma Siswardini, 21-13; 21-14.
Samantala, ipinakita ng Japan 1 ang kanilang pagiging number 1 seed nang pabagsakin nina Ryoko Tokuno at Chiaki Kusuhara ang tambalan ng Thailand 2 nina Kamoltip Kulna at Jarunee Sarnnok, 21-18, 24-22.
Malakas din ang dating ng kanilang second team makaraang gapiin ng tambalang Noriko Nakamura at Tomoko Ukigaya ang parehas nina Judi Laprade at Tong Lai Ming ng Hong Kong 21-11, 21-15.
Sa iba pang laban, namayani ang Thailand 1 sa Indonesia 2, 21-10, 21-7; tinalo ng Australia 1 ang New Zealand, 21-14, 21-17, ngunit hindi naman naging masuwerte ang Australian 2 na yumuko sa malakas na China 1, 21-8, 21-10.