Bagong eleksiyon sa BAP inutos ng POC
March 29, 2001 | 12:00am
Inaprobahan kahapon ng Philippine Olympic Committee (POC) ang isang resolusyon na nag-uutos sa Philippine Basketball Association of the Philippines na ngayon ay pansamantalang pinamu-munuan ni Gonzalo "Lito" Puyat na magdaos ng presidential election na hindi lalampas sa buwan ng Hunyo 30 upang ma-determina kung sino talaga ang dapat na ma-muno sa naturang cage body.
Ang nasabing reso-lusyon ay inaprobahan sa ginanap na POC General Assembly na pinangu-nahan ni chairman Robert Aventajado sa Pons Marzquez Hall ng Philippine Columbian Association, habang kinatawan naman ni Nic Jorge, na itinalaga kamakailan ni Puyat bilang secretary-general ng BAP.
"The POC has asked the BAP to call an election between now and before the end of June to settle once and for all who the real BAP president is. Kailangan ng malutas ang isyu, masyadong tumata-gal," pahayag ni Aventa-jado.
Dalawang kundisyon ang ibinigay ng POC para sa BAP election itoy ang ang susundin ang naka-saad sa BAP constitution and by-laws at ang maha-halal ay binubuo ng nasabi ring executive board na nagbigay kay Jalasco ng apat na taong panunungkulan hang-gang Pebrero ng taong 2000.
Matatandan na nag-leave-of-absence si Jalasco matapos ang tatlong pakikipaglaban kay Quintellano "Tiny" Literal hinggil sa pag-aagawan nila ng posisyon matapos na mailuklok ng mga board members.
Dumating din si Ja-lasco sa General Assembly bilang miyembro ng POC board of directors.
Matapos ang kanyang leave, sinabi ni Jalasco na wala na siyang interes sa pagka-pangulo ng BAP at nangangahulugan na ang kanyang grupo ay mag-dedesisyon na upang makahanap ng panlaban kay Literal sa nalalapit na election.
Samantala, naghain ng mosyon ang asem-bliya sa pamumuno ni Col. Buddy Andrada ng Philta para imbestigahan si PATAFA chief Go Teng Kok hinggil sa pagkaka-dawit ng kanyang panga-lan sa drug queen na si Yu Yuk Lai.
Matatandaan na sa mga unang imbestigas-yon, sinabi ng nasibak na Justice na si Demetrio Demetria, na si Go ang siyang lumalakad para sa kaso ni Yuk Lai.
Bukod sa drug, may-roon ding nakabinbin na kaso si Go sa Ethics Committee matapos na ma-sangkot ang kanyang pangalan sa gulong nang-yayari sa BAP. (Ulat M.aribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended