Buhain, magdaraos ng swimming clinics

Magdaraos ang national coach at dating swimming standout Eric Buhain ng swimming clinics simula sa Lunes sa Dream Square sa fourth level ng Metropolis Star, ang natatanging indoor swimming pool sa bansa sa Alabang, Muntinlupa.

"This is the first time that we will hold swimming courses inside a mall and we’re expecting a good turnout," wika ni coach Dennis Cordero, miyembro ng Buhain’s coaching staff sa PSA Forum sa Holiday Inn Manila.

Dumalo rin sa nasabing forum sina Ann Moldez, Dream Square sports coordinator at basketball coach Orly Bauzon na magdaraos din ng clinics sa Bicol at Pangasinan.

Ayon kay Moldez, ang naturang Dream Square, isang theme park-cum-resort sa loob ng mall ay mayroong tatlong swimming pools, isa para sa kabataan na isang 15-meter pool at isang pool na may slides. "We also have facilities for ballet and taekwondo and will we will courses for them this summer."

Sinabi naman ni Cordero na ang swimming course ay mayroong klase para sa basic, advance at competitive swimming sa ilalim ng pangangasiwa ng Professional Swimming Coaches Academy of the Philippines kung saan si Buhain ang siyang pangulo. Sa parte naman ni Bauzon, sinabi nito na magsisimula ang kanilang clinics sa Abril 2 sa Sta. Elena Camarines, Norte at sa Abril 16 sa University of Pangasinan sa Dagupan City.

Show comments