Tinalo rin ni Enriquez si Vincent Lim ng Bongao, Tawi-Tawi 8-5 sa unisex 10-under class upang maging double titlist sa Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas.
Nakisosyo rin si Enriquez sa karangalan nina Lemuel Go na nakaungos kay James Mesa ng Davao, 7-6, 6-0 sa boys 12-under bracket; Michael Mesa na pumigil kay Hamza Macapendeg ng Cotabato City, 7-6, 1-2 ret. sa boys 14-under division; Ronnie Lumayag na gumapi kay Efren Delgado, 6-4, 6-3 sa boys 18-under plum at Mae Pabugais na nagtala ng 6-2, 6-4 panalo kontra Katrina Esperat upang ibulsa ang titulo ng girls 16-under division.