Sta. Lucia vs Shell sa elimination ng PBA All Filipino Cup
March 28, 2001 | 12:00am
Mahalagang panalo ang nakataya sa engkuwentro ng Sta. Lucia Realty at league-leader Shell Velocity sa umiinit na elimination ng PBA All-Filipino Cup sa pagpapatuloy ngayon sa PhilSports Arena.
Ang tagumpay ng Turbochargers ang kanilang ticket para sa twice-to-beat advantage na ipagkakaloob sa top four matapos ang eliminations.
Bukod dito, magpapahigpit din ang Shell ng kapit sa pamumuno patu-ngong eight-team quarter-finals kung saan ang no. 1 ay haharap sa no. 8, no. 2 kontra sa no. 7, no. 3 vs no. 6 at no. 4 laban sa no. 5.
Sa taglay na 3-8 win-loss slate, nanganganib na ang Realtors na masi-bak sa kontensiyon kayat kinakailangan ng Sta. Lucia na ipanalo ang huling tatlong laro kabilang ang laban ngayon upang makahirit sa susunod na round.
Ang huling dalawang laro ng Realtors ay kontra sa Batang Red Bull sa Abril 4 at Pop Cola Panthers sa huling araw ng elimination sa Marso 31.
Ang Turbochargers na nakakasiguro na ng quarterfinal slot ay may 8-3 win-loss slate kasunod ang quarterfinalist na ring San Miguel Beer na may 7-4 kartada.
Bago simulan ang sagupaang Sta. Lucia at Shell sa dakong alas-7:30 ng gabi, maghaharap naman ang Mobiline Phone Pals at defending champion Alaska Aces sa pambungad na laban sa ganap na alas-5:15 ng hapon.
Layunin ng Phone Pals, Barangay Ginebra at Pop Cola Panthers na pare-parehong may 6-5 record ay nakakasiguro na ng playoff para sa huling slot ng quarterfinals gayundin ang Purefoods TJ Hotdogs na may 6-6 kartada.
Magisisilbing insipirasyon ng Realtors ang nakaraang 95-85 pamamayani kontra sa Red Bull Thunder sa kanilang out-of-town game sa Malolos, Bulacan.
Ikatlong sunod na pa-nalo naman ang ha-ngad ng Shell na huling nagta-gumpay kontra sa Pop Cola, 81-79 noong Biyernes sa likod ng nananatiling pagkawala ni Benjie Paras na maaaring hindi pa rin makalaro ngayon.
Hangad naman ng Aces na maduplika ang 73-71 pamamayani kontra sa Mobiline sa tulong ng dalawang free throws ng rookie na si John Arigo upang makabangon sa kanilang back-to-back loss. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am