Archery workshop sisimulan na

Binubuo ng mga bemedalled archers mula sa Archery Association ang mga coaches at instructors sa one-day basic archery workshop sa Abril 4 sa Taal Lake Yacht Club, Talisay, Batangas.

Ito ay bahagi ng SNACK 2001 (Summer Nature and Arts Camp for Kids, 7210801, 7267164) program na idaraos mula Abril 2 hanggang Abril 7.

Ang programa ay kinabibilangan din ng mga aktibidades sa taekwondo, sailing, kite-making and flying, mountaineering, painting on ceramics, at ang LUBID team building adventure games.

Ang summer camp na ito ay bukas para sa lahat ng kabataan na may edad na pito hanggang labing tatlo.

Isa sa magtuturo ang two-time SEA Games gold medalist at two-time SCOOP awardee na si Jennifer Chan na nagsimula ng archery noong 1990.

Bukod kay Chan, magtuturo din sina Purita Joy Marino, Christian Cubillas, Roy Vincent Martin at Syd Nerickzon Fraginal

Si Marino ay gold at bronze medalists sa 2000 Asian Circuit sa Thailand, si Cubilla naman ay nagbulsa ng tatlong gold at dalawang bronzes sa Malaysia National Archery Championships kung saan naka-isang ginto rin si Martin at Fraginal.

Show comments