Pinoy great boxers pararangalan
March 25, 2001 | 12:00am
Tatanggap ngayon ng pinakamataas na parangal sa Philippine professional boxing ang mahabang listahan ng mga boxing greats ng 50-taon mula kina Pedro Adigue noong 60s at Malcolm Tuñacao ng 2001, sa gaganaping unang Gabriel Flash Elorde Boxing Awards sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Tatanggap si Tuñacao ng Boxer of the Year award para sa kanyang mahabang paghahari bilang World Boxing Council flyweight champion sa taong 2000 mula kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na panauhing pandangal at tagapagsalita.
Kasama ng Pangulong Arroyo na magbibigay ng parangal sa okasyong ito na tinaguriang "Banquet of Champions" si Laura Elorde, ang asawa ng dating world junior lightweight champion.
Bukod kay Tuñacao, may anim pang top honorees, 17 world at international champions, 18 Philippine titlists na bibigyan ng parangal sa awards night na ito na magsisilbing pagdiriwang ng kapanganakan ng Da Flash.
Ang mga top honorees ng 2000 ay sina Manny Pacquiao at Gerry Peñalosa bilang mga most exciting and popular boxers, Erbito Salavarria bilang best trainer, Selvestre Abainza bilang best referee, Alex Villacampa bilang best judge, Felixberto Jardenil bilang best matchmaker at Abner Cordero-Ricky Gayamo bout bilang best fight of the year.
Kikilalanin din ang mga boksingerong nagbigay ng karangalan sa bansa noong nakaraang dekada na sina Pancho Villa, ang unang Filipino world champion, world champions Rolando Navarrete (1981 WBC superfeatherweight), Rene Barrientos (1969 WBC superfeatherweight), Bernabe Villacampo (1969 WBA flyweight) Pedro Adigue (1968 WBC welterweight) at Dodie Boy Peñalosa (1983 IBF junior flyweight at 1985 IBF flyweight).
Pangungunahan naman ni Villa ang posthumous awardees na kinabibilangan nina boxing commentator Joe Cantada, trainer Rolando Toti Sangalang at announcer Manuel Maning Soriano.
Magkakaroon ng display ng memorabilia kabilang ang mga championship belts, boxing uniforms at sapatos, mga larawan ni Flash Elorde.
Ipapalabas din ang mga naging laban ni Da Flash bago simulan ang dinner.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended