^

PSN Palaro

Beteranong judokas namayagpag

-
Gaya ng dapat asahan, muling ipinamalas ng mga paborito ang kanilang supremidad sa ginanap na dalawang araw na 47th edisyon ng National Judo championship sa Ninoy Aquino Stadium at muli ay kanilang kakatawanin ang bansa sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Malaysia ngayong Setyembre.

Pawang dinispatsa nina John Baylon, Abraham Pulia, Aristotle Lucero, Gilbert Ramirez, Aiza Marie Año, Nancy Quillotes, Elmarie Malasan, Rezil Rosalejos at Karen Ann Solomon ang kani-kanilang kalaban sa kani-kanilang division sa event na ito na inorganisa ng Philippine Amateur Judo Association.

Tinanghal sina John Baylon, ang 1992 Barcelona Olympic campaigner mula sa Zamboanga at four-times SEA Games gold medalist, at si Año na double winners sa event na ito na nilahukan ng 200 lalaki at babaeng judokas mula sa iba’t ibang clubs sa bansa na naghahangad na makakuha ng slot sa national team para sa nalalapit na SEAG.

Pinatalsik ni Baylon si Rolando Diño sa open-weight matapos na dominahin si Marcus Valda ng La Salle sa men’s half heavyweight (-100 kilos).

Nagpakitang gilas naman si Año nang kan-yang igupo sina Sunshine Balanban sa women’s half heavyweight (-78 kilos) at si Rezil Rosalejos sa women’s open weight upang duplikahin ang panalo ni Baylon.

Ginapi naman ni Lucero si Anthony Bini-ahan sa men’s half-lightweight, dominado naman ni Pulia ang men’s extra-lightweight, habang nanguna si Ramirez sa men’s lightweight nang talunin si Larry Fabian.

Nanaig din si Quillotes kay Racquel Lorenzo, habang si Malasan naman ang nanalo sa women’s lightweight kontra kay Noemi Esquerra.

vuukle comment

ABRAHAM PULIA

AIZA MARIE A

ANTHONY BINI

ARISTOTLE LUCERO

BARCELONA OLYMPIC

BAYLON

ELMARIE MALASAN

GILBERT RAMIREZ

JOHN BAYLON

REZIL ROSALEJOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with