^

PSN Palaro

Bagong PSC Commissioner ipinakilala na

-
Pormal na ipinakikila kahapon ang isa na namang babaeng commissioner sa Philippine Sports Commission na si Cynthia Carrion na magsisimula ng kanyang panunungkulan ngayong araw na ito.

Ipinakilala ni PSC chairman Carlos Tuason si Carrion sa kanyang tanggapan sa Rizal Memorial administrative building sa mga media na siyang pumalit sa dating commissioner na sio Leonardo Celles.

Si Carrion, pangulo ng Philippine Olympic Committee Observer Association at Philippine Sports Aerobics Association, ay ang ikalawang babaeng commissioner sa kasalukuyan matapos kay Amparo "Weena" Lim sa kasaysayan ng PSC.

"Rest assured, that I will follow the President’s objective like good-governance and results-oriented," ani Carrion na pormal na naitalaga kamakalawa matapos pirmahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang appointment.

Si Carrion naging kaklase ng Pangulo sa Assumption College at nagtapos ng kursong Business Management ay natoka sa pamamahala ng women’s at sectoral sports na kinabibilangan ng Batang Lansangan, Indiginous Games, Physically and Mentally challenge at iba pang sports activities sa gobyerno.

vuukle comment

ASSUMPTION COLLEGE

BATANG LANSANGAN

BUSINESS MANAGEMENT

CARLOS TUASON

CYNTHIA CARRION

INDIGINOUS GAMES

LEONARDO CELLES

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE OBSERVER ASSOCIATION

PHILIPPINE SPORTS AEROBICS ASSOCIATION

SI CARRION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with