^

PSN Palaro

20 blind chess players lalahok sa Metro Manila Youth chessfest

-
Aabot sa 20 mga bulag na pawnpushers ang maagang nagpatala sa kauna-unahang Metro Manila Youth chess individual 25 years and below non-master tournament na susulong simula bukas sa alas-9:30 ng umaga sa 2/F ng Center Mall sa Greenhills Shopping Center sa San Juan.

Ang naturang dalawang araw na chess tournament ay inorganisa ng Youth for Social Action (YSA) ay bukas para sa lahat ng untitled o non-master chess player na may edad 25 anyos pababa sa koopersayon ng Ortigas and Company partnership limited inc., at ng Pilipinas Shell na sanction ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

Ang iba pang inaasahang mangunguna sa listahan ng mga iba’t ibang batang chessers ay mula sa UAAP, NCAA, SCUAA, NCRAA, CUSA, PRADA, STRAA at PRISAA kabilang ang top board ng UST na si Roland Salvador, ang top women player ng College of St. Benilde Kathryn Ann Cruz, Jennifer Cruz ng FEU, Cesar Apalla, Jesse Sinangote, Gary Garcia at Paulino Castigo ng RTU, Nelsonre at Nelman Lagutin ng UE, Jack Arroyo ng TIP, Rey Jomar Magallanes ng San Beda College at Vic Neil Villanueva ng Letran College.

Hinihiling din ng organizing committee sa lahat ng Mayor at Vice Mayor na magpadala ng kani-kanilang delegasyon sa kani-kanilang siyudad at munisipalidad. Nakataya rito ang P31,000 cash prize na ang magka-kampeon ay tatanggap ng P10,000.

CENTER MALL

CESAR APALLA

COLLEGE OF ST. BENILDE KATHRYN ANN CRUZ

GARY GARCIA

GREENHILLS SHOPPING CENTER

JACK ARROYO

JENNIFER CRUZ

JESSE SINANGOTE

LETRAN COLLEGE

METRO MANILA YOUTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with