^

PSN Palaro

M. Lhuillier, kampeon sa CBL President's Cup

-
CEBU CITY--Nagpamalas ang M. Lhuillier ng pormang pangkampeonato upang pabagsakin ang Chariot Econo Cabs, 82-67 kahapon at ibulsa ang titulo ng 2001 CBL President’s Cup sa New Cebu Coliseum.

Isinalba ng beteranong swingman na si Renato Alforque ang kampanya ng Jewelers sa kanyang hinakot na 12 puntos nang manalasa ito sa three-points range may tatlong minuto na lamang ang nalalabi sa laro kung saan kanilang ibinaba ang 15-4 run na siyang pumigil sa tangkang pag-ahon ng Econo Cabs.

Nahirang naman si Ronald Paraiso na tumapos ng 24 puntos bilang Most valuable Player ng nasabing event na ito.

Nagbigay rin ng mahalagang papel sina Aldrin Ocanada at Darryl Smith sa panalo ng Jewelers kung saan nagtala sila ng 13 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nauna rito, pinayukod naman ng Guardo Shiatsu and Reflexology ang Osaka Iridology, 90-74 upang makuha ang konsolasyong ikatlong puwesto.

vuukle comment

ALDRIN OCANADA

CHARIOT ECONO CABS

DARRYL SMITH

ECONO CABS

GUARDO SHIATSU AND REFLEXOLOGY

ISINALBA

NEW CEBU COLISEUM

OSAKA IRIDOLOGY

RENATO ALFORQUE

RONALD PARAISO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with